PO1 bawal mag-bodyguards sa mga VIP
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng bagong direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ricardo Marquez na nagbabawal sa mga bagitong pulis o PO1 na maging bodyguard ng mga kilala at sikat na personalidad.
Ito ay kaugnay ng pagpapalakas pa ng police visibility partikular na sa Metro Manila upang sa ganun ay nasa lansangan at nagpapatrulya ang mga PO1 para matutukan ang pagsugpo sa kriminalidad lalo na ngayong pumasok na ang ‘ber months’.
Nabatid na karamihan sa mga bodyguard ng mga VIPs ay ang mga bagitong pulis na malamang na ipa-recall ng PNP.
Sa kasalukuyang ratio ay nasa 1:1,000 ang PNP o isang pulis kada 1,000 mamamayan kaya’t nagbawas ang liderato ng mga tauhan sa mga himpilan para maipakalat sa mga lansangan.
- Latest