^

Police Metro

Trapiko sa EDSA bahagyang lumuwag

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bahagyang lumuwag ang daloy ng trapiko  sa kahabaan ng EDSA sa unang araw nang pagmamando ng PNP-Highway  Patrol Group (PNP) traffic enforcers.

Ito ang assessment na inihayag kahapon ni PNP –HPG Director P/Chief Supt. Arnold Gunnacao na sinabing basta’t tulong–tulong ay maaa­yos ang ma­tinding daloy ng trapiko na  siya nilang misyon sa EDSA alinsunod sa direktiba ni Pa­ngulong Benigno Simeon Aquino III at PNP Chief Director General Ricardo Marquez.

Pinangunahan ni Gunnacao, ang clearing ope­rations ng mga behikulong naka-illegal parking sa Balintawak area, isa sa anim na mga chokepoints na matindi ang trapiko gayundin ang pagpapaalis sa mga vendors na nakakasagabal sa biyahe ng mga sasakyan.

Ayon naman kay PNP Chief Gen. Marquez, na huwag asahan ang agarang ‘magic’ sa EDSA dahilan hindi porke’t  nakadeploy na rito ang PNP-HPG operatives ay mawawala na ang malalang daloy ng trapiko manapa’y maiibsan lamang.

Sa panayam sa isang military officer na tumangging magpabanggit ng pangalan mula Fort Bonifacio hanggang sa Camp Aguinaldo ay  gumanda umano ng konti ang daloy ng trapiko dahilan sa nagkaroon ng disiplina sa highway.

Gayunman, kung may natutuwa naman sa bahagyang pagluluwag ng trapiko ay mayroon ding ilang naiinis dahilan sa mga intersection naman umano sa re-routing area ng mga bumibiyaheng bus nagkabuhol-buhol ang trapiko.

ACIRC

ANG

ARNOLD GUNNACAO

BENIGNO SIMEON AQUINO

CAMP AGUINALDO

CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

CHIEF GEN

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

FORT BONIFACIO

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with