^

Police Metro

Kable ng LRT 2 tinamaan ng kidlat

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinamaan ng kidlat ang kable ng Light Rail Transit (LRT) line 2 kaya nalimitahan ang biyahe nito kamakalawa ng gabi.

Ayon kay LRT Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, nadale ng kidlat ang power cable sa pagitan ng Pureza at Legarda stations bandang alas-6 ng gabi.

Naapektuhan ang operasyon ng mga tren mula Cubao hanggang Santolan station lamang at pabalik kung saan naabala ang mga pasahero sa kasagsagan pa naman ng malakas na buhos ng ulan.

Dakong alas-8:50 ng gabi nang maibalik ang power system hanggang sa V. Mapa Station kaya nakabiyahe na ang mga tren mula sa nasabing istasyon hanggang Santolan.

Bandang alas-2:40 naman ng madaling araw nang maibalik sa normal ang power system mula Recto hanggang  V. Pureza kaya balik na rin ang full line operation ng LRT-2 kahapon ng madaling araw.

ANG

AYON

BANDANG

CUBAO

DAKONG

HERNANDO CABRERA

LEGARDA

LIGHT RAIL TRANSIT

MAPA STATION

PUREZA

SANTOLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with