9 arestado sa arms cache at droga
MANILA, Philippines – Arestado ang siyam-katao na sinasabing miyembro ng sindikato sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Pasay City-PNP sa bayan ng Tanza, Cavite kahapon ng umaga.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Jeric Brondial, lider ng Brondial Robbery Group, ng #2047 Tramo Street, Barangay 104; Jordan “Dan” Arcaina ng #113 Piñahan St., Barangay 30; Earl Jhon De Mesa ng #2047 Tramo St., Barangay 104; Ryan Cabal ng #2483 Decena St., Barangay 947, Pasay City; Isagani “Jay” Vergara ng #41 Aglipay St,. Barangay Poblacion, Mandaluyong City; Raul “Buknoy” Natayan, Carlo Resureccion ng Block 16 Lot 23 Mabuhay Homes; Cristine Joyce Cayetano, at si Narissa Farro, kapwa nakatira sa Block 44 Lot 31 Mabuhay Homes, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City PNP, unang nadakip si Brondial sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Caridad Grecia-Cuerdo ng Pasay City Regional Trial Court Branch 113 dahil sa kasong robbery/hold-up, gun-for-hire, pagtutulak ng droga at carnapping.
Isa-isa namang itinuro ni Brondial ang kanyang grupo hanggang sa madakip ang mga ito habang si Natayan na miyembro ng Morris Castillo Gang ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Petronilo Seulla Jr. ng Pasay City RTC Branch 111.
Nasamsam sa mga suspek ang apat na malalaks na kalibre ng baril, iba’t ibang uri ng bala, 10-gramo ng shabu, apat na helmet, 21- bagpack, 12 cellphone, 7 hard drives, 52 portable chargers at 13 identification cards.
- Latest