^

Police Metro

5 pulis sinibak sa puwesto... bading, BF inutusang mag-oral sex

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng reklamo ang isang 38-anyos na ba­ding at nobyo nito laban sa limang pulis kabilang ang isang precint commander matapos na sila ay kotongan at inutusan na magsagawa ng oral sex habang nasa loob ng police station sa Sta. Mesa, Maynila noong nakalipas na buwan.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Inspector Rodolfo Leechui, precint commander sa Station 8 sa V. Mapa, Sta.Mesa at  mga tauhan na sina SPO1 Renato Ablaza, PO3 Ruel Aguilar, PO2 Patrick Guevara at PO2 Ronald Robles.

Sa salaysay ng biktimang si Michael Hingpit, 38-anyos na noong Agosto 8, siya at ang kanyang nobyo ay nag­lalakad sa kahabaan ng V. Mapa kanto ng Peralta St., Sta. Mesa, Maynila nang hulihin ng mga pulis at inakusahan ng “illegal possession of drugs” dahil sa umano’y dalang shabu.

Dinala ang magnobyo sa nasabing police station at kinuha ng nasabing mga pulis ang lamang P5,000 sa wallet ni Hingpit at pinagsusuntok ang mga ito at inutusang magsagawa ng ‘oral sex’ upang sila ay panoorin.

Nang tumanggi si Hingpit ay sinabihan itong magprodyus ng pera para hindi ituloy ang kaso.

Agad naman sinibak sa puwesto ni Manila Police District (MPD) Director P/Chief Supt. Rolando Nana  ang limang pulis at kinuha na rin ang mga service firearms at tsapa.

“Anytime from now, I expect them to report to the (district) support unit, pending investigation. Once a criminal case is filed and they are needed at the fiscal, they will be at the
support unit,” pahayag ni Nana.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

HINGPIT

INSPECTOR RODOLFO LEECHUI

MANILA POLICE DISTRICT

MAPA

MAYNILA

MICHAEL HINGPIT

PATRICK GUEVARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with