^

Police Metro

Driver ng van na niratrat namatay na

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay na ang driver ng van na kabilang sa tatlong biktima ng pamamaril ng suspek na si Jose Maria Abaya sa kahabaaan ng Katipunan Avenue, Quezon City noong Martes ng gabi.

Nabatid na dakong alas-6:21 ng umaga nang kumpirmahin ng kaanak sa pulisya ang pagkamatay ni Ronebert Ycot, 36, empleyado ng Marikina City Hall, nakatalaga sa City Transportation Management Development Office (CTMDO) at nakatira sa No.19 Narra St., Mejia, Molave Neighborhood, Marikina Heights.

Si Ycot ay ang driver ng van na sinasakyan ng u­nang nasawi na si Joyce Santos, residente ng Barangka, Marikina City at sugatan si Duke Angelo David II, 20, binata, Brgy. Taniong Marikina City.

Sinampahan na kamakalawa ng gabi ng kasong murder at frustrated murder si Abaya, pero dahil sa pagkamatay ni Ycot ay hihilingin na amyendahan ang kaso sa two counts of murder.

Magugunita na walang habas na pinagbabaril ni Abaya ang minamanehong Hyundai Grace Van (TWJ-732) ni Ycot sakay ang dalawa pang biktima matapos na masiraan ito at pumarada sa tapat ng isang re­s­taurant sa kahabaan ng Katipunan Avenue, Barangay White Plains na  kung saan ay kumakain si Abaya.

Inakala ni Abaya na kukunin siya nito para dalhin sa rehab kaya’t pinagbabaril ang van gamit ang kalibre 40 baril.

ABAYA

ACIRC

ANG

BARANGAY WHITE PLAINS

CITY TRANSPORTATION MANAGEMENT DEVELOPMENT OFFICE

DUKE ANGELO DAVID

HYUNDAI GRACE VAN

JOSE MARIA ABAYA

JOYCE SANTOS

KATIPUNAN AVENUE

MARIKINA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with