^

Police Metro

4 holdaper ng bus tiklo sa pasaherong pulis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat na lalaki na pinaghihinalaang notoryus na holdaper ang nadakip na kung saan dalawa rito ay nasugatan nang makipagbarilan sa isang miyembro ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa tangkang panghoholdap sa isang pampasaherong bus kahapon ng madaling araw sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Roel Poquiz,  Rey Valencia  na kapwa nasugatan, Kim Olovernez at isang inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Batay sa ulat, bandang ala-1:00 ng madaling araw sa kahabaan ng highway ng Alabang, Muntinlupa City  ay sakay ang apat na suspek sa bus na patungong Laguna nang magdeklara ang mga ito ng holdap sa mga pasahero na nagkataong pasahero doon ang pulis na si Chief Inspector Bob Belver, miyembro ng CIDG -Pangasinan at isa-isang nililimas ang mga pera, cell phone at iba pang kagamitan ng mga pasahero kung saan maging bag ng nasabing parak ay hinablot rin ng mga ito.

Nagpakilalang opisyal ng pulisya si Belver, pero itinulak ito ng mga suspek at inatake si Belver na mabilis namang inagaw ang kaniyang bag sa mga hodaper saka pinaputukan sa paa ang dalawa sa mga ito.

Nagresponde naman sa bus holdap ang Muntinlupa City Police at natulungan si Belver na masakote ang mga suspek. 

ALABANG

ANG

BELVER

CHIEF INSPECTOR BOB BELVER

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

KIM OLOVERNEZ

MGA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

REY VALENCIA

ROEL POQUIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with