^

Police Metro

1 patay, 2 sugatan... Anak ng ex-general namaril ng van

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang babae habang malubhang nasugatan ang dalawang lalaki matapos na ratratin ang sinasakyan nilang colorum na van ng isang lalaki na anak ng isang retiradong heneral ng Philippine Constabulary (PC) kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Katipunan Avenue, Barangay White Plains, Quezon City.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Joyce Santos, ng 108 Gil Fernando St., Barangka. Habang ang mga sugatan ay sina Romiebert Yoot, 36; traffic  enforcer ng City Transportation Management and Development Office (CTMDO) ng Marikina City; at Duke Angelo David II, 20, binata, store manager sa Tokyo Tokyo at residente C. Lopez Jaena St., Brgy. Taniong, kapwa taga Marikina City.

Ang suspek na sumuko ay kinilalang si  Jose Maria Abaya, 50, ang anak ng retiradong Police Constabulary na si General Antonio Abaya at pamangkin din ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of staff Gen. Narciso Abaya.

Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi ay pinapasada ni Yoot ang kanyang colorum na Hyundai Grace van (TWJ-732) galing sa Megamall Mandaluyong City at patungo sana sa San Mateo, Rizal nang ito ay masiraan sa kahabaan ng Kalayaan Avenue tapat ng isang restaurant na nagkataong bumibili doon ang suspek ng chicharon.

Nang maayos at pinaandar ni Yoot ang  van, subalit sila ay hinabol ng suspek sakay ng motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang nasa loob ng van na kung saan ay tinamaan ang tatlong biktima.

Ayon kay Abaya na kaya niya binaril ang van sa pag-aakalang  kukunin siya ng mga sakay nito  para muling ipa-rehab.

Si Abaya ay dati nang nasangkot sa pamamaril sa isang security guard at ikinasugat ng isa pa noong taong October 2012 kung saan nasampahan ito ng kasong homicide at frustrated homicide sa piskalya, subalit nakalaya ito matapos na magkasundo sila ng pamilya ng biktima.

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY WHITE PLAINS

CITY TRANSPORTATION MANAGEMENT AND DEVELOPMENT OFFICE

DUKE ANGELO DAVID

GENERAL ANTONIO ABAYA

GIL FERNANDO ST.

HYUNDAI GRACE

JOSE MARIA ABAYA

JOYCE SANTOS

MARIKINA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with