^

Police Metro

Pakikialam ni De Lima sa Iglesia ni Cristo may kinalaman sa election?

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang paniwala ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) na ang pagtulong ni Justice Secretary Leila De Lima sa itiniwalag na ministro na si Isaias Samson Jr., ay taktika ng administrasyon para i-pressure ang INC na sa kandidato ng administrasyon ibigay ang kanilang suporta sa 2016 elections.

Anila, posible umanong iniisip ng gobyerno na kapag nagipit ang pamunuan ng INC ay itataya na nito para sa kandidato ng administrasyon ang ‘bloc voting’ kapalit ng hindi pagtutok ng DOJ sa mga reklamo at isisiwalat ng ministro.
Magugunita na noong Huwebes, na ika-56 na kaarawan ni De Lima ay nagsagawa ng protesta ang mga INC members sa harap ng DOJ at tanong nila bakit nanghihimasok si De Lima sa usapin sa INC.

Ang INC ay kilala sa pagbibigay ng bloc voting kaya nililigawan ng mga pulitiko kapag eleksyon. Nasa 1.37 million ng 52 million Filipino voters o 2.6% voting population ng bansa ang mula sa INC.

Hindi pa matiyak ng mga INC members na nagpoprotesta kung hanggang kailan sila mananatili sa kahabaan ng Padre Faura, pero base sa ibinigay na permiso sa kanila ng lokal na pamahalaan ng Maynila, inparubahan ang pagtitipon noong August 27, pero walang nakasaad kung hanggang kailan lang sila pinapayagan.

Kaya’t hindi natinag ng ulan  ang vigil na isinagawa ng mga miyembro ng INC at  patuloy ang gagawing rally upang ipabatid  kay  De Lima na hindi dapat na  makialam ang  gobyerno sa relihiyon.

Binigyan diin ni  INC general evangelist Bienvenido Santiago  na ang reklamong inihain ni Samson ay may patnubay ni De Lima.

ANG

ANILA

BIENVENIDO SANTIAGO

BINIGYAN

CRISTO

DE LIMA

INC

ISAIAS SAMSON JR.

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

NBSP

PADRE FAURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with