Sulu encounter: 3 Abu todas, 10 sundalo at 5 bandido sugatan
MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang 10 sundalo at 5 bandido ang nasugatan nang magsagupa kahapon ng umaga sa kabundukan ng Brgy Latih, Patikul, Sulu.
Kinilala ni Brig. Gen. Alan Arrojado, AFP Joint Task Group Sulu ang isa sa tatlong nasawing bandido na si Aka Nidil habang ang dalawang nasugatan na mga kasama ay nakilala sa alyas na Sueb at Anas habang inaalam ang tatlong iba pa.
Ang mga nasugatang sundalo ay nakilalang sina Sgt. Rey Addatu, Pfc Reygie Gapuz, Pfc Denmark Wanasen, Pfc Joseph Accad, Cpl Elmer de Jesus Jr., Corporal Francisco Masanda III, Cpl Jomar Ballad, Private Dioniso Lava Jr., Pfc Ronwaldo Dalayday at Pfc Paul Julius Calamay.
Batay sa ulat, bandang alas-6:25 ng umaga nang magsagupa ang tropa ng militar at ASG kasama ang JI terrorist nang paulanan ng apat na rounds ng 81 MM mortar ang posisyon ng mga bandido.
Dalawang UH 1H helicopter rin ang nagsagawa ng close air support sa tropa ng Philippine Army na nakikipagsagupa sa mga kalaban at agad ring inilipad ng chopper ang mga sugatang sundalo para malapatan ng lunas.
Kabilang sa mga lider ng Abu Sayyaf na nakasagupa ng mga sundalo ay sina Hatid Sawadjaan, Muamar Askali, Almuktar Suddung; Namiel Ahajari, Basaron Arok, isang hindi nakilalang tauhan ni Abu Sayyaf Commander Yasser Igasan.
Natukoy naman ang mga JI terrorist na sina Amin Bacu alyas Abu Jihad at Khalid, Indonesian–Filipino/Maranao; Muhamad Mahmud, Muhamad Ali at isa pang hindi pa natukoy na JI member.
- Latest