^

Police Metro

Brodkaster ‘di na nakaligtas sa ikalawang ambush

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi naligtasan ng isang radio broadcaster ang ikalawang pagtatangka sa kanyang buhay nang siya ay muling pagbabarilin kahapon ng umaga ng apat na kalalakihan sa Ozamis City, Misamis Occidental.

Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay kinila­lang si Cosme Maes­trado, 49-anyos, broadcaster sa DXOC radio na nakabase sa lungsod.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Ozamis City Director Supt. Jerry Tambis, dakong alas-9:15 ng umaga sa harapan ng Quality Shopping Center sa kahabaan ng Washington Street sa panulukan ng Rizal Street, Brgy. 50 ay kasalukuyang kausap ng biktima  ang may-ari ng establisiyemento nang biglang dumating ang apat na armadong salarin, dalawa rito ay sakay ng isang motorsiklo na nagsilbing backup habang naglakad lamang ang dalawa na  siyang triggermen.

Agad na pinagbabaril ang biktima  na nagtamo ng sampung tama ng bala sa katawan, dalawa rito ay sumapul sa kaniyang ulo at isa sa dibdib.

Nagawa pang maisugod sa Medina Hospital sa Ozamis City ang biktima pero binawian rin ito ng buhay matapos ang 40 minuto.

Sa tala, ang biktima ay minsan na ring tinambangan noong  Nobyembre 2011 ng 5 hindi nakilalang mga kalalakihan, subalit nakaligtas ito. Si Maestrado ay kilalang birador sa kanyang programa sa radyo.

Kinondena naman  kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpaslang kay Maestrado at  iniutos na sa PNP ang pagtugis sa mga suspek.

ACIRC

ANG

COSME MAES

JERRY TAMBIS

MEDINA HOSPITAL

MISAMIS OCCIDENTAL

OZAMIS CITY

OZAMIS CITY DIRECTOR SUPT

PANGULONG BENIGNO AQUINO

QUALITY SHOPPING CENTER

RIZAL STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with