^

Police Metro

Solusyon sa lumalalang problema sa trapik... P-Noy ipapatupad ang ‘odd-even’

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bilang solusyon sa lumalalang problema sa trapiko ay ipapatupad ng gobyerno ang odd-even scheme sa mga sasakyan sa Metro Manila kada linggo.

Ito ang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III at inaasahan na aani pa rin ng pagbatikos mula sa publiko ang planong ito na nakikitang solusyon sa matinding trapiko sa Metro Manila.

Naunang ipinatupad ang unified vehicular volume reduction prog­ram (odd-even scheme) sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1996 bilang solusyon sa trapiko sa Metro Manila kung saan ay bawal magbyahe ang mga odd ang ending ng plate number tuwing MWF at bawal naman ang even ang ending tuwing T-TH-S.

“Pinakaradikal ay hatiin ang bilang ng bumibiyaheng sasakyan, salitan ang pagbaybay ng odd, even na plaka kada linggo,” wika pa ni Pa­ngulong Aquino kahapon sa kanyang speech sa inagurasyon ng Sen. Neptali Gonzales academic hall sa Rizal Technological University sa Mandalu­yong City.

Samantala, iminungkahi ni Caloocan Rep. Edgar Erice kay P-Noy na gawing traffic czar si DZMM anchor Ted Failon dahil sa puro pagbatikos nito kay MMDA chairman Francis Tolentino sa pagkabigo daw na mabigyang solusyon ang trapiko sa MM.

ACIRC

ANG

CALOOCAN REP

EDGAR ERICE

FRANCIS TOLENTINO

METRO MANILA

NEPTALI GONZALES

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG FIDEL RAMOS

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

TED FAILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with