8 ‘accusers’ ni Binay gigisahin
MANILA, Philippines – Binabalak ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na gisahin ang 8 accusers kabilang ang dalawang supporters umano ni DILG Secretary Mar Roxas at AMLAC members.
Ito’y matapos na magsampa ng motion sa Makati RTC Branch 133 ang abogado ni Binay na si Atty. Claro Certeza noong Agosto 26, 2015 para magsabi ang walong indibidwal ng katotohanan.
Ang walong indibidwal na kanilang ipapatawag na una na ring sinampahan ni Binay ng P200 million damage suit ay sina Anti-Money Laundering Council (AMLC) member at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr.; AMLC executive director Julia Abad; Senate staff members Jaye dela Cruz-Bekema; Sara Arriola, at Cecilia Lero; Presidential Adviser Ronald Llamas; Vince Dizon; Francisco Enrico Gutierrez ng SR Metals, Inc., at Salvador Zamora ng Nickel Asia Corporation na inaasahan nilang magsasabi ng totoo at kung hindi ay sasampahan umano nila ito ng perjury.
“Maganda itong motion na ito para mapabilis ang pagdulog ni Vice President Binay sa kaso nya laban sa mga taong may kinalaman sa paninira sa kanya,” wika ni Atty. Certeza.
Nabatid din na ang mga negosyanteng sina Gutierrez at Zamora ay may ugnayan sa pribadong chopper na nag-i-espiya sa iba’t ibang ari-arian na sinasabing pag-aari ng mga Binay sa pamamagitan ng aerial snapshots.
Ang dalawa rin negosyante ay napag-alaman na supporters umano ni Roxas II na tatakbong pangulo sa ilalim ng LP sa 2016.
Hihilingin ng kampo ni Binay sa korte na ang walong indibidwal ay gisahin para ibulgar ng mga ito kung ano ang kanilang kinalaman sa umano’y “systematic at well-funded persecution” laban sa Bise Presidente.
“Nais naming malaman kung bakit ang mga kawani ng gobyerno ay laging nagtitipon sa labas ng Senado kasama ang walong nabanggit na ang isang agenda ay usigin si VP Binay.
- Latest