^

Police Metro

P 3.1-B mawawala sa ekonomiya kada araw... ‘No Remittance Day’ ng OFWs inismol ng Malacañang

Rudy Andal at Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inismol lang Malacañang ang isinusulong na “no remittance day”ng mga OFW’s bilang resbak sa ginawa ng Bureau of Customs (BOC) sa mga balikbayan boxes.

Sinabi ni  PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na noong 2013 ay nagsagawa na rin ng zero remittance ang nasabing grupo, subalit wala naman itong naiulat na masamang epekto sa ekonomiya.

Ayon kay Coloma, personal na pagpapasya ng mga OFW’s ang pagpapadala ng kanilang pera sa kanilang mga mahal sa buhay at hindi naman habambuhay na hindi sila magpapadala ng kanilang pera lalo’t sa kanila umaasa ang mga ito.

Bagama’t inismol ng Malacañang ang bantang “no remittance day” ay nagbabala naman si Se­nator Chiz Escudero na aabot sa P3.1 bilyon ang mawawala sa ekonomiya bawat araw.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang personal remittan­ces  mula sa mga OFWs noong 2014  ay umabot sa all-time high na $26.93 bilyon na kumakatawan sa 8.5 percent ng gross domestic product noong nakaraang taon.

At sa unang bahagi ng 2015, iniulat ng BSP na ang personal remittances mula sa mga OFWs  ay tumaas ng 6.2 percent at umabot sa $12.7 bilyon mula sa $11.9 bilyon sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Ang pinagsama-samang remittance ng mga Filipino workers sa buong mundo ay may average na P2.014 bilyon kada buwan mula Enero hanggang Hun­yo ngayong taon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BAGAMA

BANGKO SENTRAL

BUREAU OF CUSTOMS

CHIZ ESCUDERO

HERMINIO COLOMA JR.

MALACA

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with