Bagong arrest orders sa mga ‘bata’ ni Binay inilabas ng Senado
MANILA, Philippines - “Pag hindi kasya rito sa Senado, dadalhin ang iba sa Pasay City Jail sa koordinayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)”.
Ito ang sinabi ni Senador Koko Pimentel, chairman ng Senate Blue Ribbon sub-committee matapos inilabas kahapon ng Senado ang panibagong arrest orders laban sa mga resource persons na pinagpapaliwanag kaugnay sa imbestigasyon tungkol sa mga anomalya sa Makati City, na hindi sumisipot sa pagdinig.
Ang mga ipinapaaresto ay sina Dr. Jack Arroyo, pamangkin ni dating Senador Joker Arroyo na sinasabing dummy sa nursing school ng University of Makati, Lauriano Gregorio, na umano’y may-ari ng Hacienda Binay sa Batangas at Margaret Licknok, asawa ni Gerry Limlingan na sinasabing bagman ni Vice President Jejomar Binay. Ipinapaaresto rin sina Erlinda Chong, Irene Chong, Kim Tun Chong at Irish Chong na mga umano’y dummy sa mga cake supply sa Makati, mag-asawang James at Lorriane Tiu na mga campaign donor umano ni Binay.
- Latest