^

Police Metro

Kagawad na ex-pulis itinumba

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang retiradong pulis na ngayon ay isang barangay kagawad ang pinagbabaril ng isa sa pitong suspek na pinaniniwalaang hired killer habang ito ay nagsasakay ng pasahero sa pinapasadang van kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si SPO1 Salvador Legaspi, dating pulis Maynila, residente ng no. 1273-A Asuncion St. Tondo, Maynila at kasalukuyang barangay kagawad sa Brgy. 47 Zone 3.

Wala pang pagkakakilanlan sa pitong suspek na nagpanggap na pasahero na ang gunman ay nasa edad 20 hanggang 30 na nakasuot ng kulay itim na t-shirt, short at naka-bull cap ng kulay itim.

Batay sa ulat, bandang 8:15 ng umaga ay kasalukuyang nagsasakay ang biktima ng puting Nissan Urvan (ZNT-843) sa panulukan ng Moriones at Road 10 sa Tondo patungong Ayala, Makati.

Habang nagtatawag ang barker na si Ernesto Alapide ay dumating ang pitong suspek at sabay-sabay itong sumakay sa gitna ng sasakyan sa likod ng driver seat.

Dahil sa utos ng misis ni Legaspi  na huwag magpasakay ng lalaki sa gitna ay pinalipat ni   Alapide ang  mga lalaki sa likod na agad namang sumunod maliban sa gunman na naka-bull cap.

Ilang  minuto pa lamang ang nakararaan nang  biglang paputukan ng  gunman si Legaspi at sabay-sabay na nagpulasan ang iba pang pasahero.

Naglakad lamang papalayo ang mga suspek at nang makakita ng isang pampasaherong jeep na biyaheng Ilaya–Dagat Dagatan ay pinara  ito ng dalawa sa mga suspek na sinundan naman ng  gunman. May lead na ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek matapos makita sa CCTV ang krimen.

vuukle comment

A ASUNCION ST. TONDO

ALAPIDE

ANG

AYALA

DAGAT DAGATAN

ERNESTO ALAPIDE

LEGASPI

MAYNILA

NBSP

NISSAN URVAN

SALVADOR LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with