^

Police Metro

Anti-dengue drive sa Quezon City lalong pinalakas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lalo pang pinalakas ng QC government ang kampanya para malabanan ang pagkalat ng sakit na dengue sa lungsod makaraang makipagkasundo ang QC health department sa pagitan ng Department of Health (DOH) at pharmaceutical company Sanofi Pasteur kasama ang mga QC public schools.

Kaugnay nito ay pinamunuan nina QC Mayor Herbert Bautista at QC Vice Mayor Joy Belmonte  ang paglulunsad sa Esteban Abada Elementary School ng  Dengue Mission Buzz 2015 na revival ng 4 o’clock habit sa pag-iwas sa dengue mosquitos na karaniwang lumilitaw tuwing alas-4:00 ng hapon  at dumadami mula buwan ng Hulyo at Agosto.

Ang Dengue Mission Buzz 2015 na may temang “Linisin ang Kapaligiran, Dengue ay Maiwasan,”  ay kinatampukan ng parada at dance competition sa pagitan ng mga mag aaral sa mga  public schools sa lungsod.

Sa kasalukuyan may 1,958 dengue hemorrhagic ca­ses na naitala ang QC mula Enero 1 hanggang Agosto 8 ng taong ito.

ACIRC

AGOSTO

ANG

ANG DENGUE MISSION BUZZ

DENGUE

DENGUE MISSION BUZZ

DEPARTMENT OF HEALTH

ESTEBAN ABADA ELEMENTARY SCHOOL

MAYOR HERBERT BAUTISTA

SANOFI PASTEUR

VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with