Shabu supplier sa U-Belt, nadakip
MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad sa buy bust operation ang isang miyembro ng sindikato ng droga sa university belt at nasamsam dito ang nasa 1.5 kilo ng shabu kamakalawa ng gabi sa Maynila.
Kinilala ni Chief Inspector Roque Merdeguia, Spokesman ng PNP-AIDSOTF ang nasakoteng suspek na si Barhaman Mushin, 28, tubong Zamboanga City at naninirahan sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Batay sa ulat, bago naaresto ang suspek dakong alas-6:40 ng gabi ay nakipag-deal dito ang mga otoridad na bibili ng 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5-M.
Nang iniaabot ng suspek ang 1.5 kilo ng shabu sa isang miyembro ng PNP-AIDSOTF na nagsilbing poseur buyer sa kahabaan ng Tolentino Street, Sampaloc, Maynila ay dito na ito inaresto.
Ayon kay Merdeguia ang operasyon ay isinagawa matapos silang makatanggap ng reklamo sa illegal na aktibidades ng suspek sa university belt kung saan ang mga estudyante lalo na ang mga miyembro ng fraternity ang kanyang parokyano nito.
- Latest