Indian national timbog sa P1-M droga
MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P1 milyon halaga ng droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang Indian national na nagbebenta ng party at sex drugs sa ilang club at bars kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si Prakash Gulraj Mahtani, 57, nakatira sa #7946 Tika St., Kamagong, Makati City.
Batay sa ulat ni Police Supt. Lorenzo Trajano, hepe ng District Anti Illegal Drugs-Special Operation Task Group dakong alas-7:00 ng gabi nang madakip ang suspek sa isang buy bust operation sa kahabaan ng Pasong Tamo St., Makati City.
Nakumpiska sa suspek ang 10 pirasong Valuim; Mogadon, isang uri ng anti-anxiety drugs; 30 pirasong Ketamine, isang uri ng injectable drugs na ginagamit para ganahang makipag-sex; 560 pirasong Xanax; 750 pirasong Nitravet; 700 pirasong Nitrosum; 20 pirasong Cialis; 380 pirasong Zopalet;150 pirasong Alpraquil; 30 pirasong Bitarin; 80 pirasong Dormicum; 200 pirasong Pinix; 40 pirasong Rivotril; 13 pirasong Ecstacy at 5 stick ng marijuana na ang kabuuang halaga ay tinatayang nasa P1 milyon.
Nakumpiska din sa suspek ang P5,000.00 marked money na ginamit dito para madakip ito.
Nabatid na matagal nang isinailalim sa surveilance ang suspek dahil sa mga natatanggap ng mga otoridad na report hinggil sa pagsusuplay nito ng mga droga sa ilang club at bars sa Makati City.
- Latest