40 nalason sa paksiw na manok at baboy
MANILA, Philippines – Naratay sa pagamutan ang nasa 40 katao matapos na malason sa iniulam na paksiw na manok at baboy sa pananghalian sa isinagawang medical mission ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur.
Sa ulat, nagsagawa ng medical mission sa Brgy. Banga, Tinamba, Camarines Sur na ini-host ng mga local government units (LGUs), Brgy. Council sa lugar noong Biyernes na libre ang pananghalian at ang ipinaulam sa mga ito ay paksiw na baboy at manok.
Dahilan marami ang natirang ulam ay iniuwi ito ng mga residente sa lugar at iniulam nitong Sabado at Linggo.
Ilang oras pa matapos makain ang nasabing natirang ulam ay dumanas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka, pananakit ng ulo at grabeng diarrhea ang mga residente bunsod upang isugod ang mga ito sa pagamutan.
Kasalukuyan pang hinihintay ang kumpirmasyon sa test ng Provincial Health Office upang madetermina ang sanhi ng pagkalason ng mga biktima.
- Latest