Solons na pala-absent ipahiya
MANILA, Philippines – Idaan sa shame campaign ang mga kongresistang pala-absent upang maging masipag sa pagdalo ng sesyon.
Ito ang hiniling ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga at suportado niya ang panawagan na ilathala ang pangalan ng mga kongresistang tamad magtrabaho sa plenaryo.
Suhestiyon pa ng kongresista, dapat araw-araw ilathala sa mga pahayagan ang pangalan ng mga kongresistang wala sa sesyon para alam ng publiko kung ano ang attendance record ng kanilang halal na kinatawan sa kongreso.
Hindi anya, katanggap-tanggap na gamiting palusot ng mga kongresista ang kanilang trabaho sa distrito sa bawat pag-absent sa sesyon sa plenaryo dahil Lunes hanggang Miyerkules lamang ang kanilang sesyon at ang Huwebes at Biyernes ay inilaan sa pag-uwi ng mga kongresista sa kanilang lalawigan para sa kanilang district work.
- Latest