^

Police Metro

Pag-wiretap sa mga drug personalities, aprub

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang panukalang batas na nagbibigay ng otorisasyon sa pag-wiretap laban sa mga drug perso­nalities ang inaprubahan na ng House Committee on Dangerous Drugs.

Sa ginanap na botohan ng komite nagkakaisa ang mga kongresista na mi­yembro na aprubahan ang House Bill 5839 na inihain ni Quezon Rep.Vicente Belmonte.

Sa ilalim ng panukala, sasama na ang kasong pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law sa mga pwedeng aplayan ng wiretapping.

Subalit, kailangang may court order na ikinatuwa naman ng PNP-AIDSOFT, Department of Justice, Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation dahil kailangan na anila ng ganitong mabigat na hakbang para magkaroon ng mas epektibong laban ang gobyerno sa mga sindikato ng droga.

ACIRC

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS LAW

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

ISANG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON REP

SUBALIT

VICENTE BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with