^

Police Metro

Negosyante itinumba sa inuman

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 39-anyos na negos­yante matapos itong pagtulu­ngang gulpihin at saksakin ng pitong kalalakihan sa inuman sa Barangay San Gabriel, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay Rogaciano M. Mendoza Memorial Hospital ang biktimang si Alexander Dela Cruz ng Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Kinasuhan naman ng pulisya ang mga suspek na sina Virgilio Estacio ng Brgy. San Gabriel; Alein Bautista ng Brgy. San Vicente at ang tatlong menor-de-edad.

Samantala, pinaghahanap ng pulisya ang dalawa pang suspek na sina Marvie Estacio at Rodrigo Brazil.

Sa police report na nakarating kay PO2 Ryan Marcelo, nag-iinuman ang biktima at ang kaibigang si Rodolfo Capili sa compound sa F. G. Cruz Street nang komprontahin ni Estacio.

Sumiklab ang pagtatalo kung saan kaagad namang umalis ang suspek at pagbalik nito ay kasama na ang iba pang suspek na armado ng patalim.

Dito na pinagtulu­ngang gulpihin at saksakin ang biktima.

Sa follow-up operation ay nadakip naman ang mga suspek habang ang dalawa ay nakatakas.

vuukle comment

ACIRC

ALEIN BAUTISTA

ALEXANDER DELA CRUZ

ANG

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN GABRIEL

BRGY

CRUZ STREET

MARVIE ESTACIO

MENDOZA MEMORIAL HOSPITAL

RODOLFO CAPILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with