Bus drivers isasailalim sa drug testing
MANILA, Philippines – Hinikayat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pinuno ng transport sector na isailalim sa drug testing ang mga bus drivers upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero habang pumapasada.
Tinukoy ng PDEA ang tumataas na bilang ng mga aksidente sa lansangan ay bunga ng mga driver na lango sa droga habang bumibiyahe.
“These incidents proved that there is a prevailing practice of illegal drug use among bus drivers,” ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr.
Tulad na lamang ng aksidenteng kinasangkutan ng driver ng Valisno bus na sumalpok sa kongretong boundary marker sa kahabaan ng Quirino Highway sa Barangay Lagro, Quezon City kung saan apat na pasahero ang namatay at maraming nasugatan noong Agosto 12.
Napatunayan na ang driver ng bus na si George Pacis ay gumagamit ng droga matapos lumabas ang resulta ng drug testing. ?
Umaasa ang PDEA na mismong mga transport sector ang hihikayat sa kanilang miyembro na isumite ang sarili sa drug test.
“We will not wait until an accident happen on the road because the man behind the wheel is high on drugs,” dagdag pa ni Cacdac.
- Latest