^

Police Metro

Pulis natakasan ng preso, kalaboso

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang miyembro ng Manila Police District matapos matakasan ng 28-anyos na presong Taiwanese na inireklamo ng large scale illegal recruitment sa ba­hagi ng Ermita, Maynila kamakalawa ng hapon.

Nahaharap  sa kasong Infidelity in the custody  of prisoner, conniving with or consenting to evasion ang suspek na si PO2 Marlon Añonuevo kung saan nakapiit na ito sa Manila Police District Integrated Jail.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Arsenio Riparip ng MPD-General Assignment and Investigation Section, sinasabing high risk prisoner ang nakapugang si Michael Vincent Tan Co na gumagamit ng mga alyas Sam Jasper Wang  at  Bobby  Wang, at nakatira sa #144 Leon Guinto Street, Malate, Maynila.

Si Co ay madakip sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng umaga matapos magreklamo ang mga biktimang sina Gary Herana, Wilmer Domingo, Jesus Natividad, at si Joey Andoy.

Ayon sa ulat, Si Co ay isasalang na sa inquest proceeding pero kaila­ngang isailalim sa medical kung saan pinaangkas ni PO2 Añonuevo sa kanyang motorsiklo.

Subalit bumalik si PO2 Añonuevo sa himpilan ng pulisya upang i-report na nakatakas si Co matapos itong tumalon mula sa motorsiklo pagsapit sa bahagi ng Taft Avenue, sa Ermita.

Ipinag-utos na ni MPD Director P/Chief Supt. Rolando Nana na kasuhan si PO2 Añonuevo.

ACIRC

ARSENIO RIPARIP

ATILDE

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

ERMITA

GARY HERANA

GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

NBSP

SI CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with