^

Police Metro

Bagets natupok sa sunog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakulong sa nasusunog nilang bahay ang isang 13-anyos na bina­tilyo kahapon ng mada­ling araw sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Daniel Niño De Vera, na ang bangkay ay natagpuan sa ikatlong palapag ng kanilang bahay sa Alamang Street, Brgy. 12 Dagat-Dagatan, ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa stock room sa unang palapag ng bahay habang nasa kasarapan ng tulog ang pamilya ng biktima.

Unang nagising ang lola ng biktima na si Flo­rencia De Vera, 62, nang mahirapan sa paghinga dahil sa makapal na usok na bumalot sa bahay.

Agad na ginising nito ang anak na babae at isa pang apo na natutulog sa unang palapag ng bahay na nakalabas at naiwan sa loob si Daniel Niño na natutulog sa ikatlong palapag ng bahay.

Umabot ng isang oras bago naapula ang sunog na umano ay nagmula sa nag-short na electrical circuit. Habang nasa P500,000 ang naging danyos.

ACIRC

ALAMANG STREET

ANG

ATILDE

BAHAY

BATAY

BRGY

CALOOCAN CITY

DAGAT-DAGATAN

DANIEL NI

DE VERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with