Hapones dinukot sa taxi
MANILA, Philippines – Mahigit sa 10 milyon Yen o nasa mahigit P2 milyon ang natangay sa isang 46-anyos na Japanese national na dinukot ng dalawang lalaki habang ito ay nasa loob ng taxi sa Malate, Maynila.
Ang biktima ay kinilalang si Hideaki Okazaki, nanunuluyan sa Robinson Tower 1, Room 11- H, Pedro Gil St., Ermita.
Batay sa ulat, bago nangyari ang pagdukot sa biktima dakong alas-12:45 ng hapon noong Lunes sa sinasakyang taxi ng dalawang suspek ay galing ito sa CCP Complex sa Pasay City dahil sa mayroon itong naka-meeting na business partner na kanyang ding kababayan at sumakay ng taxi.
Habang nasa taxi at binabaybay ang service road para magpapahatid sa Diamond Hotel ay bumaba ang taxi driver sa tapat ng Grand Boulevard Hotel para umihi.
Ilang minuto ang nakalipas ay biglang sumulpot ang dalawang lalaki na naka-bonnet at puwersahan kinuha sa loob ng taxi at tinutukan ng baril bago inilipat sa isang kotse.
Sa loob ng kotse ay inutusang huwag mag-ingay at saka piniringan ang mga mata at tinalian ng plastic straw at kinuha ang mga dala niyang kagamitan kabilang ang 10 milyong Yen.
Malayo ang kanilang nilakbay bago inihulog sa sasakyan ang biktima sa bahagi ng Quirino Avenue, Parañaque City.
- Latest