Babae ni-rape, pinatay ng lover na sekyu
MANILA, Philippines – Hininalang ginahasa muna bago pinatay ang isang babae ng kanyang live in partner na sekyu sa loob ng isang bakanteng unit ng isang gusali sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Noreen Matungay, 22, ng Villa Espana 1 Brgy. Tatalon ng lungsod. Habang pinaghahanap naman ang live in nito na si Alberto Tamidles, 41, security guard ng Block 7, Lot 13, Leo St., Camella Homes 3, Tunasan, Muntinlupa City.
Bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-7:20 ng gabi sa bakanteng unit ng Fortune Bldg., na matatagpuan sa Banawe malapit sa kanto ng Quezon Avenue, Brgy. Tatalon ay nagalit umano ang suspek nang magpaalam ang biktima noong Agosto 8 na tapusin na ang kanilang relasyon.
Ayon sa kaanak ng biktima na si Nordiana Manincara na sinamahan niya ang biktima sa lugar para makipagkita sa suspek na nakadestino bilang guwardiya at pagdating doon ay inutusan siya ng suspek na bumili ng pagkain para din sila magka-usap ng sarilinan
Ilang minuto ay nagbalik si Manincara atnasa loob na unit ang dalawa na nakasama at ilang sandali ay lumabas ang suspek na nakahubo at may bakas ng dugo sa kanyang damit at muling isinara ang pintuan sa labas bago tuluyang tumakas.
Kaya’t nagpasya si Manincara na humingi ng tulong sa ilang concerned citizen sa lugar na siya namang tumawag ng otoridad para sa pagsisiyasat at dito nadiskubre ang bangkay ng biktima.
- Latest