^

Police Metro

Humiling na ilipat ang venue... Trillanes takot sa Makati court

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang multo para kay Senador Antonio Trillanes ang Makati Court kung saan siya at 12 iba pa ay sinampahan ng damage suit ni Vice President Jejomar Binay.

Kung kaya’t hinamon si Trillanes ni Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay na harapin na lamang kasama ang 12 iba pa ang kaso laban sa kanila sa halip na magduda sa integridad ng Makati Court.

Minsan pa ay ipinakita ni Trillanes ang kanyang kawalan ng respeto at sarili ang iniintindi nang lumiham ito kay Supreme Court administrator Jose Midas Marquez, na humiling sa mataas na hukuman na ilipat ang  venue mula sa sala ni  Makati regional trial court (RTC) Branch 133 presiding judge Elpidio R. Calis sa ibang korte sa Metro Manila.

Sa sulat ni Trillanes ay inihayag nito na ang paglilitis na gagawin sa Makati City ay pa­nganib sa buhay ng mga nasasakdal na maaaring umatras na tumestigo sa takot sa kanilang buhay.

Nagtataka si Quicho kay Trillanes na dating navy lieutenant kung ano ang ikinatatakot nito sa Makati gayung ang mga residente noong hinihintay ang desisyon ng Court of Appelas sa suspension ni Makati Mayor Junjun Binay ay hindi umaalis ng quadrangle at nasa harap lang ng Makati city hall building.

Kaya’t sa kahilingan ni Trillanes  sa court administrator ay lu­malabas na wala itong tiwala sa buong korte ng Makati City sa kaisipan na kakampi ang mga ito ng mga Binay dahil sa mga benepisyo na natatangap ng mga hukom mula sa  Makati City government.

Magugunita na may ilang buwan na ang nakakalipas ay inihayag ni Trillanes sa isang television interview na ang mga miyembro ng Court of Appeals ay sinuhulan upang mag-isyu ng temporary res­training order ng suspension order laban kay Mayor Binay.

Si Binay noong Hul­yo 20 ay nagsampa ng  P200-million civil suit for damages laban kina Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Sens.Trillanes at Alan Peter S. Cayetano, Congressman Edgar R. Erice, AMLC officials Amando M. Tetangco, Jr., Emmanuel F. Dooc, Teresita J. Herbosa, Julia C. Abad, ang “Mercado group” na kinabibilangan ni da­ting Makati Vice Mayor Ernesto S. Mercado, Mario U. Hechanova, Renato L. Bondal at Nicolas Enciso VI, at isang broadsheet news paper.

 

ACIRC

ALAN PETER S

AMANDO M

ANG

BINAY

CONGRESSMAN EDGAR R

COURT

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI COURT

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with