^

Police Metro

21 estudyante nalason sa spaghetti at manok

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawanpu’t-isang estudyante ng Batangas State University (BSU) ang nalason matapos kumain ng spaghetti at chicken sa ginanap na pagtitipon sa Batangas City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Ayon kay P/Chief Inspector Arnold Formento, Batangas City deputy PNP chief, nagsuka, nahilo at sumakit ang tiyan ng mga estudyante ng College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management (BSU-CABEIHM) matapos magmeryenda ng pagkaing idineliber ng kilalang fastfood company.

Nabatid na ang mga biktima ay dumalo sa acquaintance program sa Batangas City Sports Coliseum.

Karamihan sa mga estudyante ay isinugod sa Batangas Medical Center, St. Patrick Hospital, St. Camilius Hospital at sa Golden Gate General Hospital kung saan na-diagnose na may acute gastro-enteritis with mo­derate dehydration.

Wala namang nasa kritikal ng kondisyon ang mga biktima habang pinauwi naman kaagad ang mga estudyante matapos sumailalim sa rehydration.

Sa panayam kay BSU President Engr. Tirso Ronquillo, nakatakdang magpulong ang mga department head para pag-usapan kung magsasampa sila ng kaso laban sa food company.

“Pag-uusapan pa namin kung magpa-file kami ng demanda laban sa food company but for the meantime our insu­rance company will handle all the expenses for their hospitalization,” dagdag pa ni Ronquillo.

vuukle comment

ACIRC

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY SPORTS COLISEUM

BATANGAS MEDICAL CENTER

BATANGAS STATE UNIVERSITY

CHIEF INSPECTOR ARNOLD FORMENTO

COLLEGE OF ACCOUNTANCY

ECONOMICS AND INTERNATIONAL HOSPITALITY MANAGEMENT

GOLDEN GATE GENERAL HOSPITAL

MIMAROPA

PRESIDENT ENGR

ST. CAMILIUS HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with