Babaeng Aleman nadale ng Ativan Gang
MANILA, Philippines - Natangayan ng salapi at mamahaling gadget ang German national na si Ifeoma Cornelia Ebelechukwu Odenigbo, dalaga, pansamantalang nakatira sa isang pension house sa Jorge Bocobo St., Ermita, Maynila matapos na siya ay idroga ng apat na suspek na hinihinalang mga miyembro ng Ativan Gang kahapon.
Sa salaysay ng biktima na bago nangyari ang insidente ay nakipagkaibigan sa kanya ang tatlong suspek na nagpakilala sa alyas na Mia, Marc,Annie at isang matandang babae habang namamasyal siya sa Rizal Park dakong alas-7:30 ng gabi noong Agosto 4.
Niyaya siya na dadalhin sa Baclaran Market na isa umanong magandang lugar para sa turista, subalit dumaan sila muna sa isang bar para mag-inuman.
Hinala ng pulisya na nilagyan ng ativan ang iniinom ng biktima dahil nakaramdam ito ng hilo at antok at naramdaman niyang isinakay siya ng taxi.
Nagising na lamang siya kinabukasan na nasa loob na ng kaniyang hotel room at natuklasan na wala na ang Iphone, $200 at 20 CHF Switzerland money.
- Latest