^

Police Metro

Taniman ng saging inatake ng NPA: Sekyu patay, 5 sundalo nasugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inatake ng nasa 30 rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang banana plantation na kung saan ay nasawi ang isang sekyu at pagkasugat ng limang sundalo na naganap kahapon ng madaling araw sa Brgy. Kipalbig, Tampakan, South Cotabato.

Ang nasawing sekyu ay kinilalang si Melchor Galamgan, ng RSAF Security Agency habang dinala sa pagamutan ang limang sundalo na sina Pfc. Mohammad Ali, Pfc. Danny Mark  Tandog, Pfc. Alfred Ablasar at Private Paul Salidong.

Sa ulat, dakong alas-12:08 ng madaling araw nang ay nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng Army’s 27th Infantry Batallion nang atakehin ng mga rebelde sa pa­ngunguna ng isang alyas Ka Bordjack ang Lapanday Foods Corporation sa Brgy. Kipalbig, Tampakan na tinangkang sunugin ang airstrip at airplane na ginagamit na pang–spray sa  nasabing banana plantation.

Nagresponde ang militar na tinulungan sa bakbakan ang mga security guards dito na ang palitan ng putok ay tumagal ng 30 minuto bago nagsiatras ang mga rebelde patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Ang Lapanday Food Corporation ay matagal ng nakakatanggap ng  banta mula sa NPA rebels na humihingi ng revolutionary tax sa nasabing tanggapan at kung hindi magbibigay ay  isasabotahe ito na siyang nangyari.

ALFRED ABLASAR

ANG

ANG LAPANDAY FOOD CORPORATION

BRGY

DANNY MARK

INFANTRY BATALLION

KA BORDJACK

KIPALBIG

LAPANDAY FOODS CORPORATION

MELCHOR GALAMGAN

MOHAMMAD ALI

SOCCSKSARGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with