^

Police Metro

3 parak sa EDSA hulidap, ‘not guilty’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – ‘Not guilty plea’ ang ini­hain ng tatlo sa 10 pulis na sangkot sa Edsa hulidap nang basahan ang mga ito ng kaso sa Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) kahapon.

Ang mga binasahan ng sakdal sa
sala ni Mandaluyong City RTC Branch 213 Judge Carlos Valenzuela sa kasong carnapping, kidnapping at robbery in band ay sina Chief Insp. Joseph De Vera, Senior Inspector Allan Emilano at PO2 Jonathan Rodriguez na dumating sa korte na nakaposas, nakasuot ng o­range detainee t-shirts, at guwardyado ng mga BJMP na armado ng matataas na kalibre ng armas.

Nauna rito, tinangka pang pigilan ni Atty. Jason Cantil, abogado ng mga akusado, ang arraignment sa kanyang mga kliyente dahil hindi pa aniya nareresolba ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang petition for review.

Hindi naman pinagbigyan ni Judge Valenzuela ang kahilingan ng mga akusado at itinuloy ang pagbasa nang sakdal sa mga ito, kung saan
naghain sila ng not guilty plea.

Nanduon din  sa arraignment ang mga complainant na sina Samanodin Abdul Gafur at Camal Mama at ang pre-trial ng kaso ay itinakda sa Set­yembre 2.

Hindi naman sumipot sa pagdinig ang iba pang mga akusado sa krimen, na ikinukonsidera na ngayong “at large” matapos na isyuhan na
sila ng hukuman ng warrant of arrest na kinilalang sina Senior Insp. Marco Polo Estrera at Oliver Villanueva, SPO1 Ramil Hachero, PO2s Eronn Decatoria,
Weavin Masa, Jerome Datinguinoo at Mark De Paz. Ang mga naturang pulis ay sinampahan ng kaso matapos umanong dukutin at illegal na arestuhin sina Gafur at Mama habang patungo sa Subic upang bumili ng heavy equipment, at hingian ng P1.2 milyon sa loob mismo ng La Loma police precinct.

Nabuking ang insidente matapos na makuhanan ito ng larawan sa EDSA habang ginagawa ang panghuhulidap na na­ging viral sa social media kaya’t mabilis na nagsagawa nang manhunt operation na kung saan pagkalipas ng ilang araw ay nadakip sina De Vera at Rodriguez habang si  E­miliano ay sumuko kay dating National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Carmelo Valmoria.

Sina Estrera, De Paz at  Datingguinoo ay si­nangkot sa pag-ambush at pagpatay sa kidnap suspek na si Rolando Fajardo sa Calamba, Laguna noong Hunyo.

Ang pamilya at kaanak ni Fajardo ay naglaan ng P3 milyon para sa ikadarakip nina Estrera, De Paz at Datingguinoo.

ACIRC

ANG

CAMAL MAMA

CHIEF INSP

DATINGGUINOO

DE PAZ

DE VERA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

ERONN DECATORIA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with