School officials na ayaw magbigay ng GMC hiniling na i-contempt at arestuhin
MANILA, Philippines - Dahil sa pagtanggi na bigyan ng good moral character (CGM) certificate ng mga opisyales ng Santo Niño Parochial School (SNPS) ang kanilang salutatorian na si Krisel S. Mallari gayung nag-utos na ang Court Appeals ay hiniling ng Public Attorney’s Office (PAO) na i-cite for contempt ang eskwelahan at isyuhan ng bench warrant ang school principal nitong si Yolanda Casero at iba pang school officials.
Magugunita na si Mallari ang batang mag-aaral na naging viral ang video sa Youtube noong Marso nang pigilan siya ng kanyang class adviser na tapusin ang speech na patungkol sa umanoy iregularidad sa computation ng kanyang grade.
Sa urgent motion kahapon na isinampa ni PAO Chief Persida Acosta ay patuloy pa rin ang eskwelahan sa pag-isnab sa utos ng CA na mabigyan ng naturang dokumento ang bata para makapagpatuloy na ito ng pag-aaral.
Sinasabi naman ng naturang paaralan na wala pa silang natatanggap na CA ruling kaya’t ayaw silang magbigay ng GMC.
Niliwanag naman ni Acosta na kahit na sinasabi ng SNPS na wala silang natanggap na order mula sa CA ang naturang paaralan naman anya ay tumanggap na mula sa CA process server ng kopya ng desisyon.
Una namang sinasabi ng pamunuan ng naturang paaralan na hindi sila nag-iisyu ng CGMC dahil hindi naman ito itinatakda ng batas.
- Latest