CA inutusan ang eskwelahan na bigyan ng GMC ang salutatorian na bumatikos
MANILA, Philippines – “Bigyan ng certificate of good moral character ang estudyante nilang nagtapos na salutarorian”.
Ito ang inutos ng Court of Appeals (CA) Second Division sa Sto. Niño Parochial School sa Quezon City tungkol sa kaso ng estudyanteng si Krisel Mallari na matatandaang pinigil ng kanyang adviser habang nagbibigay ng kanyang salutatory address noong Marso.
Ayon sa appellate court, mahalagang maipalabas sa lalong madaling panahon ang hinihinging certificate dahil anumang araw sa buwan ng Agosto ay magsisimula na ang klase sa University of Sto. Tomas.
Nabatid na si Mallari ay nakapasa sa accountancy program ng UST, at isa sa requirement para siya ay makapag-aral sa unibersidad ay ang kanyang good moral character, pero tumanggi ang school registrar na bigyan siya ng GMC certificate.
Nauna nang dumulog si Mallari sa Quezon City RTC para makuha ang kanyang certificate of good moral character, pero ibinasura ito ni Quezon City RTC Branch 216 Judge Alfonso Ruiz.
Inatasan naman ng Court of Appeals ang mga respondent na kinabibilangan nina Judge Ruiz at Sto Niño Parochial School registrar Mrs. Yolanda Casero na magsumite ng kumento sa petisyon ni Mallari sa loob ng 10 araw.
- Latest