^

Police Metro

Hapones nasawi sa scuba diving

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 64-anyos na turistang Hapones ang nasawi sa kanyang pag-scuba diving sa karagatan ng Olongo Island sa Lapu–Lapu City kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Kenichi Nakaizuma, tubong Yamaguchi, Japan.

Batay sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon ay nagsasagawa ng scuba diving si Nakaizuma  kasama ang isang Dino Ompad, operations manager ng Scuba Star na nakabase sa Brgy. Maribago ng lungsod nang maganap ang trahedya.

Ayon sa bangkero habang nagsasagawa ng diving ang dalawa ay nakita niyang nagkakawag sa ilalim ng tubig ang matandang Hapones.

Pinaniniwalaan namang sinumpong ng sakit nitong hypertension at puso ang Hapones .

Agad namang sumaklolo ang mga paramedics ng Emergency Rescue Unit Foundation matapos na maiahon ang katawan ng Hapones, pero binawian ito ng buhay habang isinusugod sa Mactan Doctors Hospital.

vuukle comment

ANG

AYON

BATAY

DINO OMPAD

EMERGENCY RESCUE UNIT FOUNDATION

HAPONES

KENICHI NAKAIZUMA

LAPU CITY

LAPU-LAPU

MACTAN DOCTORS HOSPITAL

OLONGO ISLAND

SCUBA STAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with