Pinas tinaguriang Asia’s Rising Tiger at Rising Star
MANILA, Philippines - Dahil sa tuwid na daan at mabuting pamamahala sa loob ng nakalipas na 5 taon ay tinagurian na ang Pilipinas na Asia’s Rising Tiger at Asia’s Rising Star dahil sa pagtitiwala ng mga foreign investors na magnegosyo sa bansa.
Ito ang ipinagmalaki ni Pangulong Benigno Aquino III at marami anyang OFW ang bumabalik sa bansa, para dito na lang magtrabaho dahil mayroon na tayong mga job opportunities.
Aniya, noong 2014 ay pumalo sa US $ 6.2 bilyon ang net foreign direct investments sa bansa na pinakamataas na naitala sa ating kasaysayan dahil sa pagtitiwala ng buong mundo at mga foreign investors.
Ipinagyabang din ni Aquino na sa loob ng kanyang 5 taon sa gobyerno ay 15 lamang ang natuloy na labor strike kumpara sa 199 strike na nangyari sa nakaraang administrasyon.
- Latest