P-Noy: Handa na si Mar
MANILA, Philippines - Natapos na kahapon ang huli at pinal na State of the Nationa Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino at katulad ng inaasahan ay ibinida ng Pangulo kung gaano na kalayo ang narating ng bansa mula ng ito’y umupo noong 2010.
Idinetalye ng Pangulo ang mga achievements sa ekonomiya na ngayo’y tinatayang pangalawang pinakamabilis na lumago sa 2015, at kung paano ito nakatulong sa buhay ng pangkaraniwang Pilipino dahil sa mga programa tulad ng CCT at Philhealth.
Ngunit kung pulitika ay pag-uusapan ay maiinit ang mga naging pahayag ni P-Noy tungkol kay DILG Secretary Mar Roxas.
Habang pinasalamatan ni P-Noy ang mga miyembro ng kanyang gabinete ay matingkad naman ang naging papuri nito para kay Roxas. “Mar, pinatutunayan mo: You can’t put a good man down,” sabi niya.
Ipinaliwanag din ni P-Noy kung bakit may mga kampo na walang ginawa kundi siraan ang kalihim. “Nasa loob o labas ka man ng gobyerno, hindi tumigil sa panlalait sa iyo ang mga kalaban ng Daang Matuwid. Dahil nga may bilang ka, dahil talagang may ibubuga ka, nagpupursigi silang ibagsak ka. Palibhasa hindi nila kayang iangat ang sarili, kaya pilit ka nilang ibinababa,” paliwanag ng Pangulo. Mistulang banat na rin ito sa kampo ni Vice President Binay na patuloy ang pagbato ng putik kay Roxas ngunit walang paliwanag sa kanyang plataporma para sa halalan.
Ikinatuwa ng mga kasamahan sa Gabinete ang papuri ng Pangulo kay Roxas na sinalubong nila ng malakas na palakpak at halos standing ovation.
Dahil sa mga paninirang ito ay lalong napapatunayan ang angking integridad at kahandaan ni Roxas para sa pangpanguluhan at inilista rin ni P-Noy ay mga programang epektibo sa ilalim ni Roxas bilang pinuno ng DILG.
“ I’am very humble, it’s the gracious and generous word of the President” wika ni Roxas.
- Latest