Orange booms ng China natagpuan sa Zambales
MANILA, Philippines - Ilang piraso ng orange booms na ginagamit ng China sa panghukay ng buhangin sa karagatan ang natagpuan ng mga mangingisda sa Zambales, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Ayon kay P/Senior Supt. Manuel Abu, provincial director ng Zambales, ang mga rubber boom ay nakuha ng mga mangingisda sa karagatan na may 350 metro ang layo sa Bajo de Masinloc.
May bakal sa loob nito at napalibutan ng rubber para lumutang kung saan mula sa China base sa marker na nakita sa boundary.
Natagpuan ang nasabing booms noong Sabado ng umaga ng mga mangingisda sakay ng siyam na bangka habang nanghuhuli ng isda sa Bajo de Masinloc.
Biyernes pa ng hapon nang makita ang rubber booms sa lugar hanggang sa dalhin nila ito sa Brgy. San Agustin noong Sabado ng umaga.
Sa kasalukuyan ang mga booms ay nasa kustodiya ng Philippine Coast Guard.
- Latest