^

Police Metro

NPC at LP magkasangga pa rin

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilinaw ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Secretary General at Batangas Rep. Mark  Leandro “Dong”  Mendoza na mananatili ang coalition nila sa Liberal Party (LP) na pinamumunuan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito’y matapos lumabas ang mga ulat na susuportahan umano ng kanilang partido sina Senador Grace Poe at Chiz Escudero ang  kanilang kandidatura sa 2016 presidential elections.

Giit ni Mendoza na ngayon ay panahon ng mai­ngay na mga  isyung politikal at malinaw ang kanilang mensahe na hindi sila humihiwalay sa coalition ng Pangulo.

Anya, unfair sa mga miyembro ng NPC na napapangunahan sila dahil lamang sa mga espekulasyon na kung saan ay nagsasagawa pa ng konsultasyon sa bawat miyembro kaya hindi umano  makakatulong kung may mga naglalabasang iba’t ibang pahayag at espekulasyon.

Dahil dito kaya wala pa umanong pinal na desisyon ang NPC kung sino ang susuportahan sa darating na 2016 elections taliwas sa naunang naglabasan na Poe-Chiz.

Ang malinaw ngayon sa NPC ay ang patuloy nilang pagsuporta sa Aquino administration at sa layunin nitong good and honest governance.

ACIRC

ANG

ANYA

BATANGAS REP

CHIZ ESCUDERO

LIBERAL PARTY

MENDOZA

NATIONALIST PEOPLE

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SECRETARY GENERAL

SENADOR GRACE POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with