Kapakanan ng mga AFP at PNP hiniling na mabanggit sa SONA
MANILA, Philippines - Umaasa si ACT-CIS Parylist Rep. Samuel “Sir Tsip” Pagdilao sa gagawing pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ay mabanggit ang kapakanan at pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Nais marinig ni Pagdilao sa SONA ng pangulo ay ang pagbibigay ng prayoridad sa AFP at PNP modernization, benepisyong pension sa mga retirees.
Bukod dito ay nais din marinig ni Pagdilao kung paano susugpuin ang tumataas na kriminalidad at lumalalang problema sa droga, isyu ng seguridad at kaligtasan sa pagkain, pagresolba sa dumadalas na mga aberya MRT, kaligtasan ng mga daan at lansangan at ang paninigurado na magkakaroon ng matapat at maayos na halalan sa 2016.
Nais ni Pagdilao na magkaroon at maglatag ng malinaw at konkretong mga stratehiya para hindi lamang ipangako ang pagbabago kundi ito ay maisakatuparan.
- Latest