Storm surge nakaamba
MANILA, Philippines – Nasa 4-5 metro ang nakaambang storm surge sa mga baybaying dagat na tatahakin ng superbagyong Maysak habang umaabot naman sa 24 lalawigan ang apektado at nasa peligro ng malalakas.
Ito ang iniulat ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa isinagawang emergency meeting sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay Defense Secretary at NDRRMC Chairman Voltaire Gazmin kailangan ang maagang pag-alerto upang maiwasan ang panganib sa mga panahon ng kalamidad lalo na tulad sa mga superbagyo.
Sinabi naman ni NDRRMC Executive Director Alexander Pama, na ito ang kauna-unahang bagyong tumama sa bansa sa panahon ng kuwaresma sa mahabang panahong dekada na ikatlo rin sa taong ito.
Ayon naman kay Mahar Lagmay, Executive Director ng Project NOAH ang bagyo na makakaapekto sa 24 lugar ay nakaamba ring magdulot ng storm surge sa eastern at northern seaboard na bahagi ng karagatan kaya dapat na isagawa ang pag-iingat at iwasan muna ang pagpalaot gayundin ang pag-i-island hoping lalo na ng mga turista.
Ang bagyo ay inaasahang magla-landfall sa eastern coast ng Central at Northern Luzon at kabilang sa mga lugar na hahagupitin ng bagyo ay mga lalawigan ng Aurora, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Catanduanes, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cagayan, Kalinga, Isabela, Cavite, Albay, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Sorsogon, Albay, Romblon, Camarines Norte, Catanduanes, National Capital Region, Northern Samar at Eastern Samar.
Ang bagyo ay inaasahang papasok sa PAR (Miyerkules ng gabi) o Huwebes ng umaga na malakas ang epekto at kahit na bahagyang mabawasan ang lakas nito ay matindi pa rin ang idudulot na malalakas na pag-ulan.
Ang bagyo ay tatama sa silangang bahagi ng Aurora sa may Baler at tatawid sa Luzon sa Sabado at Linggo ang pinaka-landfall at pagtama ng supertyphoon sa kalupaan ng Central Luzon na ang diameter ng bagyo ay nasa around 600 to 700 km o 300 to 3350 radius.
- Latest