Bagyong chedeng mananalasa sa semana santa
MANILA, Philippines - Inaasahang papasok sa bansa ngayong Semana Santa ang bagyong Chedeng kaya’t naghahanda na ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kahit Semana Santa ay siniguro ng NDRRMC na mailatag ang lahat ng paghahanda tulad ng koordinasyon sa mga local government units na posibleng salantain ni bagyong Chedeng.
Inaasahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Chedeng sa Huwebes at makakaapekto sa bansa sa susunod na linggo.
“Kung sakali po na ‘di siya magbago ng direksyon, maari pong itong eastern ng Luzon muna ‘yung maari niyang maapektuhan, ito po ‘yung Bicol region, Aurora, Quezon, and then Cagayan Valley,” ayon kay PAG- ASA weather forecaster Samuel Duran.
- Latest