Pagkatapos ng iyong termino... GMA kay P-Noy: ‘Wag matulad sa akin’!
MANILA, Philippines - Huwag mangyari kay Pangulong Noynoy Aquino o sinuman sa opisyal ng kanyang administrasyon ang pinagdaraanan sa kasalukuyan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep.Gng. Macapagal-Arroyo.
Ito umano ang dasal ni Ginang Arroyo kay Pangulong Aquino at sa kanyang mga opisyales pagkatapos ng kanilang termino sa 2016.
Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, naibubulas ito ni CGMA nang minsang bisitahin nila ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) noong nakaraang linggo.
Sa kuwento ni Atienza, na kilalang malapit na kaalyado ni Gng. Arroyo nagbiro ang isa nilang kasamahan na dapat magbalot-balot na si Arroyo dahil malapit na itong makalabas at papalit naman sa kanya ang mga humarang para siya ay makapagpiyansa.
“Magbalot-balot na kayo dahil maraming papalit dito sa inyo”, ayon umano sa isang kongresista na hindi pinangalanan na sinabayan naman ng tawanan ng lahat maliban kay GMA at nagsabing nagsabing ayaw nitong mayroong pumalit sa kanya doon kahit na sino.
“I don’t even want you or anybody else to go through this same experience I have undergone. I hope and pray that none of them will replace me here,”ayon umano sa dating pangulo.
Sinabi pa umano ni Gng. Arroyo na ayaw nitong maranasan kahit na ng kanyang mga kaaaway sa politika ang “same sad, tragic and painful” experience na kanyang naranasan sa loob ng apat na taon sa loob ng VMMC.
Nilinaw ni Atienza, na kahit ganito ang nangyari kay Gng. Arroyo ay wala itong sama ng loob sa kasalukuyang administrasyon.
Samantala, muling iginiit ng Independent minority bloc sa Kamara na isailalim na lang sa House arrest si GMA o palayain na lamang ito.
- Latest