^

Police Metro

Sa paggunita ng Semana Santa… PNP nasa ‘heightened alert’ na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, isinailalim na kahapon sa heightened alert status ang Philippine National Police (PNP ) kaugnay ng paggunita sa Semana Santa.

 Sinabi ni Philippine National Police  Spokesman Chief Supt. Ge­neroso Cerbo Jr.,  nasa heightened alert ang kapulisan sa Luzon at Visayas Region  at ipauubaya na sa mga Regional at Provincial Directors ang pagsasailalim sa full alert status depende sa security assessment sa mga lugar na kanilang hurisdiksyon.

 Samantalang ang Mindanao Region ay dati ng nasa full alert status kaugnay ng anti- terro­rism campaign ng PNP at AFP.

 Aniya, 90% ng kapulisan ay nakaalerto  para tiyakin ang matiwasay at mapayapang paggunita sa Semana Santa o ang panahon ng pagtitika sa Simbahang Katoliko. Ito ang ikalawa sa pinakamataas na alerto na ipinatutupad ng PNP kaya nangangahulugang kanselado ang bakasyon ng mga pulis.

 Sa tala, 80 % ng po­pulasyon ng Pilipinas ay mga deboto ng Simba­hang katoliko  kaya naman palalakasin ang police vi­sibility mobile patrol sa bisinidad ng mga simbahan, public transport terminal, paliparan, mga matataong lugar na dinarayo ng mga turista sa panahon ng Mahal na Araw tulad  ng mga malls, beach resort, parks at iba pa.

Kaugnay nito, nagpaalala naman ng “safety tips” si Chief Supt. Nestor Quinsay, Director ng Police Community Relations  Group (PCRG) sa mga Pinoy na magsisipagbakasyon  o magtutungo sa mga probinsya sa Semana Santa  na ihabilin sa kanilang mga kapit-bahay ang kanilang maiiwang tahanan upang hindi mabiktima ng Akyat Bahay Gang.

 Karaniwan na aniya na nagsasamantala ang mga kawatan sa mga ganitong panahon na nagbabakasyon ang karamihan. Dapat din na iwanan ng matatapang na aso ang bahay.

AKYAT BAHAY GANG

CERBO JR.

CHIEF SUPT

MINDANAO REGION

NESTOR QUINSAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with