^

Police Metro

Apo nina Ampatuan, Misuari nagtapos sa PNPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawa sa 247 kadeteng nagsipagtapos kahapon sa Philippine National Police Academy (PNPA) ay apo ni detinadong si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. na akusado sa masaker ng 57-katao at ng puganteng si ex-Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari.

Ayon kay PNPA spokesperson P/Chief Supt. Ritchie Yatar, isa sa  mga nagsipagtapos sa LAKANDULA (Lahing Kayumanggi na Handang Ialay sa Bayan ang Dugo at Lakas) Class 2015  ay si Cadet 1st Class Andal Ampatuan III.

Si Cadet 1st Class Ampatuaan ay apo ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. na nililitis ng batas kaugnay ng karumal-dumal na masaker ng 57-katao kabilang ang 32-mediamen noong Nobyembre 23, 2009.

Isa rin sa mga nagsipagtapos ay si Cadet 1st Class Mohammadizar Misuari, apo ni puganteng si ex-Moro National Li­beration Front (MNLF)  na itinuturong mastermind sa Zamboanga siege noong Setyembre  2013.

Kaugnay nito, inihayag ni Yatar na isa sa mga kadete ay nabigo namang makasama sa graduation ceremony  dahil sa paglabag sa Class No. 1 violation kaugnay ng mahigpit na regulasyon ng akademya.

Gayon pa man, tumanggi naman si Yatar na tukuyin ang pangalan ng nasabing kadete na ngayo’y pinagdudusahan na ang parusang ipinataw ng PNPA.

Ayon kay Yatar ipinagpaliban muna ang pagtatapos ng nasabing kadete sa susunod na buwan ng Abril dahil kailangan muna nitong pagsilbihan ang kaniyang paglabag sa regulasyon ng PNPA.

Inihayag naman ni Yatar na mahigpit sila sa Honor Code at kabilang sa nangungunang paglabag sa regulasyon ay ang paggamit ng cellular phone sa classroom, absence without official leave (AWOL) , insubordination at palaging huli sa klase.?

Samantala, sa  kabuuang 247  nagsipagtapos na kadete ay 225 ang papasok sa PNP, 11 sa Bureau of Fire Protection at sampu naman sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHAIRMAN NUR MISUARI

CHIEF SUPT

CLASS AMPATUAAN

CLASS ANDAL AMPATUAN

CLASS MOHAMMADIZAR MISUARI

MAGUINDANAO GOVERNOR ANDAL AMPATUAN SR.

YATAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with