Miriam inendorso si MVP para maging presidente ng Pilipinas
MANILA, Philippines – Kung si Senator Miriam Defensor-Santiago ang tatanungin gusto nito na maging presidente ng bansa ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan.
Sa kanyang talumpati sa Maynilad Leadership Talk na ginawa sa University of the Philippines, sinabi ni Santiago na nais nitong pag-isipan ng mga nakikinig sa kanya ang posibilidad na maging presidente ng bansa ni Pangilinan.
“I want you to think about Mr. Manny Pangilinan for president of the Republic of Philippines,”ani Santiago.
Kinumpirma rin ni Santiago matapos ang talumpati ay iniindorso niyang presidente si MVP.
Inisa-isa ni Santiago ang mga kuwalipasyon ng nais niyang maging presidente ng bansa at una na rito ang pagiging tapat, may professional excellence at may academic excellence.
Idinagdag din nito na ang mga taong katulad ni Pangilinan ang dapat maging lider at hindi yong mayroong mga “highly publicized career”.
Anya, na ang career ng mga taong sikat ang posibleng pang makabulag sa kanila upang paniwalaan na kuwalipikado na sila sa trabaho o posisyon.
Partikular na tinukoy ni Santiago ang mga artista at mga nasa media.
- Latest