^

Police Metro

QC Human Milk Bank inilunsad

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang programa na pagkakaroon ng malulusog na mga sanggol sa lungsod mula sa sustansiyang makukuha sa gatas ng ina.

 Ang pagkakaroon ng QC Human Milk Bank ay unang naaprubahan ng QC Council para makapagbahagi ng gatas ng ina sa mga sanggol na nasa kritikal na kalagayan.

“May mga ina na hindi makapagbigay ng kanilang gatas at para mapunan ang kailangang sustansiya ng isang sanggol mula sa gatas ng ina ay  maibibigay ito sa kanila ng Milk Bank” wika ni Bautista.

 Ayon naman kay Belmonte na ang programa ay naipatupad upang maabot ang hangarin ng QC government na maisulong ang breastfeeding ngayong 2015 para sa kalusugan ng mga sanggol.

“Ang milk bank po ay nagkakaloob ng libreng gatas ng ina para sa mga sanggol hindi lamang sa mga taga QC kundi pati na rin sa iba pang nangangailangan nito mula sa mga karatig lugar at sa tulong at suporta na rin ng mga inang mayroong maraming gatas ay libre rin po nila itong naibibigay sa milk bank” dagdag ni Belmonte.

AYON

BAUTISTA

BELMONTE

GATAS

HUMAN MILK BANK

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MILK BANK

PINANGUNAHAN

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with