Ampatuan armed group kasama sa namaril sa Mamasapano
MANILA, Philippines – Kabilang ang private armed group ng pamilya Ampatuan sa umano’y pumatay sa SAF 44 noong kasagsagan ng Mamasapano operations noong Enero 25.
Ito ang ipinahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP), spokesman Brigidare Gen. Joselito Kakilala, base sa nakalap nilang impormasyon.
Pahayag ni Kakilala na halos lahat ng private armed group ng Ampatuan ay umanib sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters matapos masangkot sa Maguindanao massacre noong 2009.
Ito rin anya ay sumama sa grupo ng tumiwalag ng opisyal ng BIFF na si Mohammad Ali Tambako na nagtayo ng sariling grupo na Justice Islamic Movement (JIM).
Si Ampatuan Sr., at ilang miyembro ng pamilya nito ay napiit matapos ang pagkakakasangkot sa madugong Maguindanao massacre noong November 2009.
- Latest