Road rage: Tsinoy trader todas
MANILA, Philippines – Isang 47-anyos na negosyante ang binaril at napatay ng driver na nakagitgitan nito sa kahabaan ng C-5 Road, Mindanao Exit, Brgy.Ugong, Valenzuela City kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang si Erwin Tan, dahil sa tatlong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ang bumaril ay isang Rin Teoxon, 43-anyos na tumakas matapos ang pamamaril.
Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Innova (NWI-253) at binabaybay ang kahabaan ng C-5 Road pauwi sa kanyang bahay nang makagitgitan nito ang suspek na nagmamaneho ng Toyota Hilux (UQN-816) sa nasabing lugar.
Kapwa bumaba ang dalawa sa kanilang mga sasakyan at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima.
Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek at iniwan ang kanyang sasakyan.
- Latest